
Dear B&J,
Hahahahaha! Ever Bilena? God, how cheap. I remember tuloy yung dating labandera dito sa mansion. Si Lorna Tumolva, Lorna T. for short. Super mega-idol nya si LT day, at araw-araw na lang, lagi syang nag-dradrawing ng nunal sa nguso nga with the use of a pentel pen (Ahhh so yun pala ang reason why she has a pentel pen dun sa kikay kit nya, kasama yung mga unbranded nyang make-up, ew.)
"Lorna, bakit ba nagdrawdrawing ka pa ng nunal sa ibabaw ng labi mo eh meron ka na sa ilong at sa pisngi? Over na! mashdo nang marami! Dalian mo at marami pa tayong gagawin today." I said.
"Ati Ve (ew, she used to call me that,) eto ang lok ni Lurna Te. Pakelam mu ba? kase de lang bagay sa yo. Engget ka lang, day." she answered.
Ok. di ko na pag-aaksayahan itong tikbalang na to. Anyway, asenso na sya. "Product Distributor na daw sya! Oh diba! "Avon Lady and Natasha Dealer na ang lola mo!
Well she visited one time and she made alok to buy her stuff noh. Mega-introduce pa sya ng newest line of Avon Lingerie and scents. Meron pa syang catalogue, yung small, glossy na may mga naka-pose pang girls na naka-panti't bra lang. Then yung catalogue ng natasha was the same, only bigger, at puro damit na sportswear.
As if! hello? Avon, Natasha and I do not mix, excuse me. Sanay lang ako sa catalogue na natatanggap ko thru mail from LV. Besides, ano na lang ang sasabihin ng mga amiga-chimini-aa ko? And, sa Shisheido, Lancome at Chanel lang ako hiyang. and as for underwear, Victoria's secret lang ako, mind her. and as for her Natasha products, sorry, definitely not my style (Baka kay Cristy Fermin pwede pa.)
"Lorna, di ko gusto, di yata bagay sa akin," i said trying to be polite.
"Ay nako, bakit kasi gusto mo yung mga Berseys (Versace,) Tsanil (Chanel,) Way is il (YSL,) na yan! eh ang mamahal naman nyan day!" hirit nya.
not to mention Prada, Hermes and Fendi, i wished to add.
Ay nako, some people will never ever get the sense of "good investment" when it comes to clothing. Pity pity pity.
"Eto na lang day, maganda! Natasha! T-shirt day! de pa keta nakeketa naka-teshert, day! Eto komekenang-kenang pa ang logo, day! o se? Na-ta-shaaaa... (tinuturo pa yung letters dun sa t-shirt as if di ako marunong magbasa.) patok day! "
"Pero di naman Natasha ang name ko, day" sagot ko.
"konwari na lang ikaw si Natasha Lidisma! u deba? Natasha Lidisma ang dating mo day, bagay na bagay. Shushal diba?"
Di ko na matandaan kung ano nangyari next dahil hinimatay na ako.
xxx, V.